ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kylie Padilla admits breakup with Aljur Abrenica


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kinumpirma na ni Kylie Padilla na hiwalay na sila ng Kapuso hunk na si Aljur Abrenica.  Pero totoo kaya ang hinala na may kinalaman sa breakup ng dalawa si Louise delos Reyes?

Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel sa GMA news "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing nag-shoot na si Kylie ng kaniyang kauna-unahang music video para sa kanyang carrier single na "Gitara," na mula sa debut album niya under GMA Records.

Si Kylie mismo ang sumulat nito at kung pakikinggan daw ang lyrics ng kanta, ito raw ang nararamdaman niya ngayon.



Nagbalik na sa trabaho si Kylie pagkatapos ng kaniyang dalawang buwang bakasyon sa Australia. Habang nasa bakasyon, naging maugong ang usap-usapan na break na sila ni Aljur.

Ayon kay Kylie, malaking bagay raw ang suporta ng kanyang pamilya lalo na ang kanyang mommy Liezl para malampasan ang sakit na naramdaman.

Maraming usap-usapan ang lumutang kasunod ng hiwalayan nina Kylie at Aljur. Kasama na rito ang pagkaka-link ni Aljur sa kanyang leading lady sa "Kambal Sirena" na si Louise.

Basahin: Aljur at Kylie, nagkakalabuan kaya dahil sa pagkakadawit ng aktor sa Louise-Enzo breakup?

Pero ayaw nang sabihin ni Kylie kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

Bagaman nakakapag-usap pa rin daw sila ni Aljur, sinabi ni Kylie na malabo pa silang magkabalikan sa ngayon.

Trying to move on na raw ngayon si Kylie at marami raw siyang dapat pa ring ipagpasalamat. -- FRJ, GMA News