ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Aktres na si Saab Magalona, binugbog umano ng mga lasing na gatecrasher
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nabugbog ng umano'y mga lasing ang anak ng yumaong master rapper na si Francis Magalona na si Saab Magalona sa isang party na ginanap sa isang hotel sa Pasig City.
Sa "Chika Minute" report ng GMA news "24 Oras" nitong Martes, sinabing dumalo si Saab sa isang party na inorganisa ni Ely Buendia nitong weekend.
Pero nagkaroon umano ng kaguluhan dahil sa mga lasing na gatecrasher.
Nang umawat umano si Saab sa gulo, siya ang napagbalingan ng mga lasing at nabugbog.
Ayon sa ina ni Saab na si Pia, nakapag-file na raw ito ng police report sa barangay Kapitolyo.
Sumailalim na rin si Saab sa medico legal at maayos na ang kanyang lagay.
Labis daw na ikinagulat ng pamilya Magalona ang nangyari kay Saab. -- FRJ, GMA News
Tags: saabmagalona
More Videos
Most Popular