ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pinoy rapper, inspirasyon ng American hip hop group na Bone Thugs and Harmony
Inihayag ng American hip hop group na Bone Thugs and Harmony, na inspirasyon nila ang isang sikat na Pinoy rapper.
Sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras" nitong Martes, sinabi ng grupo na nagsisilbing inspirasyon para sa kanila ang yumaong Pinoy master rapper na si Francis Magalona.
Nakasuot ng "Francis M" cap ang Bone Thugs rapper na si Layzie Bone dahil pamilyar daw siya sa musika ni Francis.
Hindi man daw niya personal na nakilala noon ang Pinoy master rapper, ito'y pagpapakita naman daw niya ng respeto.
Ang concert ng 90's group sa Miyerkules ay iaalay daw nila sa mga biktima ng bagyong "Yolanda."
Ihahandog daw nila ang mga hit song s nilang "The Crossroads" at "Days of Our Lives" para sa mga nasalanta ng kalamidad. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular