ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Bayan Ko' ng GMA News TV, pinarangalan sa 2014 Asia Rainbow TV Awards


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tumanggap ng pagkilala sa 2014 Asia Rainbow TV Awards sa Macau ang original series ng GMA NewsTV na "Bayan Ko."

Sa ulat ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing ang pagkilala ay para sa kategoryang Outstanding Inspirational Drama.

Ang parangal ay tinanggap ni Nessa Valdellon, ang vice president for news and public affairs at creator ng naturang tv series.



Kasama ni Valdellon ang direktor ng "Bayan Ko" na si Adolfo Alix Junior.

Ang Bayan Ko ay original series ng GMA News TV na tumatalakay sa isyu ng public service ng mga opisyal at kawani ng gobyerno, at ng mga residente sa kanilang nasasakupan.

Pinagbidahan ito nina Rocco Nacino at Pen Medina. -- FRJ, GMA news