Aljur Abrenica, naapektuhan ng mga negatibong isyu tulad ng pasaring ni Robin Padilla
Aminado ang Kapuso actor na si Aljur Abrenica na naaapektuhan siya sa mga negatibong isyung naglalabasan tungkol sa kanya matapos ang break-up nila ni Kylie Padilla.
Kamakailan lang, nagbigay ng payo si Robin Padilla sa anak na si Kylie na maghanap ng lalaking na tunay na "barako."
Video: Robin to Kylie: Maghanap ka ng tunay na barako para hindi ka na iiyak at masasaktan
Sa "Chika Minute" report sa GMA news "24 Oras" nitong Huwebes, sinabi na naging maingay ang naturang mga pasaring ni Robin, na hinihinalang patama kay Aljur.
Gayunman, sinabi ni Aljur na hindi sapat ang mga naglalabasang negatibong isyu para panghinaan siya ng loob dahil alam daw niya ang tunay na nangyari at sarili.
Sa ngayon, gusto raw ng aktor na kompletuhin muna ang sarili bago pumasok muli sa relasyon sa babaeng itinakda para sa kaniya. -- FRJ, GMA News