ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Batikang couturier na si Aureo Alonzo, pumanaw na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inalala ng mga kaanak at kaibigan ang pumanaw na batikang couturier na si Aureo "Tatang" Alonzo.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Miyerkules, sinabing pumanaw si Alonzo nitong Lunes sa edad na 85 dahil sa gastro-intestinal bleeding.

Bukod sa mga artista at pulitiko sa bansa, dinamitan din noon ng batikang couturier ang ilang international stars maging ang isang sultan.



Kabilang sa mga nagsuot ng disenyo ni Alonzo ang Hollywood actress na si Rita Moreno.

Nagkamit din siya ng prestihiyosong Camel Award sa Italy.

Nakatakdang ilibing si Alonzo sa Manila Memorial Park sa Huwebes, July 10. -- FRJ, GMA News