ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Death anniversary ni Dolphy, ginunita; Zsa Zsa Padilla, magpapakasal na nga ba?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Muling nagsama-sama ang pamilya Quizon at si Zsa Zsa Padilla para gunitain ang ikalawang taong ng pagpanaw ng Comedy King na si Dolphy. Pagkatapos ng misa, nilinaw naman ng Divine Diva ang bali-balitang magpapakasal na sila ng bago niyang nobyo.
 
Sa "Chika Minute" report ni Cata Tibayan sa GMA news "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing very light at positive ang aura ng pamilya Quizon habang nasa puntod ni Dolphy.
 
Nakangiti at masayang nagkumustahan ang miyembro ng pamilya kabilang na mga anak ni Dolphy na sina Eric, Epy, Vandolph, Nicole at mga apo na sina Boy2 at Vito.
 
Naging punong abala sa pa-misa ang long-time partner ni Dolphy na si Zsa Zsa. 
 


Bukod sa paggunita sa death anniversary, pinaghahandaan din ng pamilya Quizon ang kaarawan ng comedy king sa July 25.
 
Sinabi ni Epy na may inihahanda silang programa na gagawin sa Marikina kung saan magtatanghal ang miyembro ng kanilang pamilya.
 
Wala rin daw sama ng loob ang mga anak ni Dolphy na may bagong boyfriend na si Zsa Zsa, na si Architect Conrad Onglao.

Kaugnay nito, nilinaw at itinanggi ni Zsa Zsa ang bali-balitang balak na raw nila ni Conrad na magpakasal sa Amerika.

"That's not true," anang singer-actress. "It's just a the story lang kasi siyempre parang may edad na kami parang nung una ko ring nabalitaan si Tita Boots Anson-Roa [na ikinasal] sabi ko, 'siguro naman may pag-asa pa rin ako.'"

Dagdag pa niya, "Everybody wants of course the chance to be able to move forward." -- FRJimenez, GMA News