ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Katas ng sipag at pagsisikap: Bagong bahay ni Ryzza Mae, ipinasilip


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Simula nang koronahan bilang Little Miss Philippines 2012 sa "Eat Bulaga," unti-unti nang nakamit ng child wonder na si Ryzza Mae Dizon ang kaniyang mga pangarap... pati na ang ipinadasal niyang bahay.

Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel sa GMA news "24 Oras" nitong Biyernes, ipinakita ang panikabagong katas ang pagsisikap ni "Aling Maliliit." Isang malaking bahay na modern at classy ang look, at sosyal ang dating mula sa sala, dining room, kitchen at banyo.



Kung dati ay sa maliit na bahay lang sila nakatira sa Maynila at natutulog sa sahig na sinapinan lang karton, ngayon, may garahe at malalaking kuwarto na ang kanilang tahanan.

Sa isang episode rin ng "The Ryzza Mae Show," ikinuwento ni Ryzza at kaniyang ina ang paghahanap ng bago nilang bahay na mismong ang bulilit dabarkads daw ang pumili.

Hindi rin naiwasan ng ina ni Ryzza na maging emosyunal nang balikan ang hirap ng buhay na kanilang pinagdaanan at pagtulog sa maliit na bahay.

Dahil siksikan sila sa pagtulog sa sahig na may sapin na karton, sinabi ni Ryzza na kasama sa ipinagdasal niya noon ang magkaroon ng bahay kahit hindi naman masyadong malaki.



Nasa 30 bahay raw ang pinagpilian nina Ryzza bago nabili ang mala-mansion na bahay nila ngayon.

"Nakita ko po yung gate, tapos yung bahay mataas, mayamanin," ani Ryzza na umarteng hinimatay nang makita raw niya ang loob nito.

Ang kuwarto ni Ryzza, larawan ng pagiging bata ng child star sakabila ng kaniyang pagtatrabaho  sa murang edad para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.

Ang bagong naipundar na ito ni Ryzza ay patunay rin na kayang makamit ang mga pinapangarap basta pinagsisikapan. -- FRJ, GMA News