Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vilma Santos-Recto, pinanood si Rachelle Ann Go sa Miss Saigon sa London


Pinanood ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto si Rachelle Ann Go sa West End restaging ng musical na Miss Saigon sa London.

Sa Starbite ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Sabado, sinabing nag-post pa si Rachelle sa Instagram ng litrato nila ni Vilma na magkasama.

Nagpasalamat din si Rachelle ang Star for All Seasons sa ginawang panonood sa kanyang pagtatanghal.



Ginagampanan ni Rachelle ang role ng veteran bar girl na si Gigi sa Miss Saigon.

Kamakailan lang, pinanood din ng tambalang Tom Rodriguez at Dennis Trillo si Rachelle sa Miss Saigon, at ang performance ng isa pang Pinay na si Tanya Manalang, na gumaganap naman bilang alternate na "Kim."

May picture din si Dennis kasama ang "The Engineer" na ginagampanan ng isa pang Pinoy na si Jonjon Briones. -- FRJ, GMA News
LOADING CONTENT