ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mga sugat sa hita ni Claudine Barretto, ipinakita na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa isang photo shoot, ipinakita na ng aktres na si Claudine Barretto ang kanyang mga hita na tadtad ng mga sugat, peklat at paso ng sigarilyo.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing tumanggi muna ang aktres na tukuyin kung sino ang may kagagawan nito.

Dahil daw sa kahihiyan, matagal na raw inililihim ni Claudine ang mga sugat, na ipinapagamot na niya ngayon.

Ayon sa aktres, hindi raw alam ng kaniyang pamilya ang mga sugat.

"Ina-accept ko na battered wife ako, so para makatulong ding sa iba lumabas na rin ako," ani Claudine.

Hindi tinukoy ni Claudine ang may kagagawan ng mga sugat pero nakapaloob daw iyon sa kanyang reklamo kaugnay ng paglabag sa violence against women and their children act.



Ayon naman sa gumagamot sa mga sugat at peklat ni Claudine, may indikasyon na hindi bago kung hindi matagal nang nangyari ang pananakit na lumikha ng mga sugat.

Inihayag naman ng kampo ng estranged husband ni Claudine na si Raymart Santiago, na magbibigay lang lang sila ng pahayag kapag iniugnay ang aktor sa naturang insidente.

Samantala, ilang linggo makaraang maiulat ang magandang pakikitungo sa isa't isa ng estranged couple, irereklamo raw muli ni Claudine si Raymart dahil sa hindi umano pagsustento at pagbalewa sa kanilang mga anak.

Sumama raw ang loob nilang mag-iina nang hindi sumipot ang aktor sa birthday party ng anak nila si Sabina.

Mas binigyan pa raw ng pansin ni Raymart ang hobby nitong sky diving.

Hindi rin daw nagparamdam ng suporta ang aktor nang makagat ng kaniyang kaklase kahit alam daw ni Raymart ang telepono ng mga anak.

Paliwanag naman ng kampo ni Raymart, hindi inimbitahan ang aktor sa nasabing party, at matagal na raw naka-schedule ang sky diving ng aktor.

Dagdag pa ng abogado ni Raymart, magkasama naman daw ang mag-ama noong June 21, na siyang araw talaga ng birthday ni Sabina. -- FRJ, GMA News