advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ms. Nigeria, wagi bilang unang Super Sireyna Worldwide ng 'Eat Bulaga!'


Naging trending topic worldwide at sa Pilipinas sa Twitter ang koronasyon ng kauna-unahang Super Sireyna Worldwide ng "Eat Bulaga!" nitong Sabado kung saan nagwagi si Miss Sahhara mula sa bansang Nigeria.

Nakamit naman ng pambato ng Pilipinas na si Trixie Maristela ang puwesto bilang 1st Runner Up, habang si Miss Venezuela Isabela Santiago naman ang 2nd Runner Up.

Bigatin din ang mga dayuhan ang nagsilbing mga judge sa pageant na sinamahan nina dating Miss Universe Margie Moran-Floirendo at "You're My Foreignoy" grand winner Gui Adorno.

Naging trending topic naman sa Twitter ang mga hashtag na #SuperSireynaWorldwide, Ms.Nigeria, #SSWorldwide, at Vanezuela.

Umani ng papuri, suporta at paghanga sa mga netizen ang panalo ni Miss Nigeria na tinawag nilang deserving sa korona.

Bago nito, ipinagtapat ni Miss Nigeria na nakatikim siya ng pananakit sa kaniyang mga kababayan na hindi pa tanggap ang mga katulad nilang transwoman. (Basahin: Kandidata sa 'Super Sireyna Worldwide,' nakaranas daw ng pananakit sa kaniyang kababayan)

Marami rin sa mga netizen ang bumati sa "Eat Bulaga!" sa inilunsad nilang Super Sireyna Worldwide pageant at ilan sa kanila ang umaasa mauulit ito at magkakaron ng mas maraming kandidata mula sa iba't ibang panig ng mundo. -- FRJ, GMA News
LOADING CONTENT