ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Katrina Halili sa pagbalik ng lisensiya ni Hayden Kho bilang duktor: 'Masaya ako para sa kanya'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ilang linggo makaraang inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) ang kautusan na ibalik ang lisensiya ni Hayden Kho Jr. bilang duktor, nakunan na rin ng pahayag ang Kapuso actress na si Katrina Halili.

Ang sigalot na idinulot ng paglabas ng private video nilang dalawa noong 2009 ang naging dahilan para ipakansela noon ni Katrina ang lisensiya ni Hayden. Taong 2011 naman nang maglabas ng kautusan ang PRC na ikansela ang lisensiya ng binata.

Sa panayam ng "Startalk" nitong Sabado, sinabi ni Katrina na nagulat lang siya nang unang mabalitaan na ibinalik na ang lisensiya ni Hayden. (Basahin: Stripped of med license after scandal, Hayden Kho now a doc again)
 


"Nung nalaman ko nagulat ako tapos wala, di naging happy na lang ako," anang aktres.

Sa kabila ng naunang pahayag ng abogado ni Katrina na hindi ikinatuwa ang naging desisyon ng PRC, tila nais naman ng aktres na dumistansiya na sa naturang usapin. (Basahin: Kampo ni Katrina Halili, umalma sa pagbabalik ng lisensiya ni Hayden Kho) 

"Ako wala na ako diyan, labas na ako kasi hindi ko naman alam yung ano...ako masaya na ako sa buhay ko," aniya.  "Ayoko na ng mga ano...nega [negative] masyado."

Dagdag pa ni Katrina, hindi raw maganda ang pagkakaroon ng mga negatibo sa buhay.

"Masaya ako para sa kanya, may karapatan naman siyang maging masaya di ba?" ayon pa sa aktres. "Selfish ko naman kung ayaw kong maging masaya siya." -- FRJ, GMA News