Filtered By: Showbiz
Showbiz

Josephine 'Banig' Roberto, balik sa concert stage sa Amerika


Nagbabalik sa concert stage sa Amerika ang dating Pinoy child singing star na si Josephine "Banig" Roberto.

Sa "Chika Minute" report sa GMA news "24 Oras" nitong Martes, sinabing muling bumirit si Banig sa kanyang concert sa Clive Davis Theatre sa Los Angeles kung saan nag-perform na ang ilang bigating singers gaya nina Stevie Wonder at Lady Gaga.



Ilan sa mga inawit ni Banig ang "Bayan Ko" at ang bago niyang single na "He Wants To Get It."

Sumikat si Banig nang manalo sa "International Star Search" competition kung saan tinalo niya noon ang batang si Christina Aguilera.

Masaya si Banig sa mainit na suportang kaniyang tinanggap sa kaniyang pagbabalik. -- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT