ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
K-Pop group na JYJ, nais bumisita sa Pilipinas
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Libu-libong K-Pop fans mula sa iba't ibang bansa ang dumagsa sa comeback showcase ng grupong JYJ sa South Korea.
Sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing todo-hataw ang grupo nang kantahin ang kanilang hits gaya ng "Be The One" at "Back Seat."
Nagtanghal sila para sa bago nilang album na "Just Us."
Nagpasalamat naman si Je-Jung para sa "Hottest Male Award" na iginawad sa kanya ng Philippine K-Pop Awards sa apat na magkakasunod na taon.
Ayon sa grupo, gusto nilang makapunta sa Pilipinas para sa kanilang Pinoy fans.
Dapat daw ay pupunta sila sa bansa noong 2013 bilang ambassador ng "In-Chon" Asian Games. Pero hindi iyon natuloy matapos manalasa ang bagyong "Yolanda." -- FRJ, GMA News
Tags: kpopjyj, kpopconcert
More Videos
Most Popular