ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Posibleng itsura ng magiging baby nina Dingdong at Marian


Ngayong naitakda na ang lugar at petsa ng kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, tiyak na marami ang nasasabik na makita ang magiging bunga ng pagmamahalan ng Kapuso Royal Couple.

Basahin:Dingdong, Marian announce wedding date, venue

BasahIn: Marian Rivera still on cloud nine after Dingdong Dantes's second proposal



Sa pamamagitan ng www.morphthing.com, magagawa at makikita ang resulta ng pinagsamang larawan ng dalawang ng tao. Nang pagsamahin ang mga larawan nina Dingdong at Marian, ito ang kinalabasan ng larawan ng posibleng maging baby nila na boy at girl.

Naunang inihayag ni Marian na labis ang pagmamahal niya kay Dingdong at handa niyang ibigay sa aktor kung ilan mang anak ang naisin nito kahit pa lumubo ang kaniyang katawan, na tatlong beses nang kinilala bilang sexiest woman ng FHM magazine.  -- FRJ, GMA News