ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rachelle Ann Go, pasok sa 'Hottest Women in the West End'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Napabilang sa listahan ng “Hottest Women in the West End” ng isang theater blog ang Kapuso actress- singer na si Rachelle Ann Go na kasalukuyang gumaganap bilang si Gigi sa musical play na "Miss Saigon" sa London.

Sa listahang binuo ng PocketSizeTheater, kasama ni Rachelle Ann sina Samantha Barks, Savannah Stevenson, Harriet Jones, Celinde Schoenmaker, at marami pang ibang aktres na nagpakitang gilas sa larangan ng pagtatanghal sa teatro.

Si Samantha ang isa sa mga bida sa kakaibang Hollywood movie na "Les Miserables," na base rin sa isang play. Habang si Savannah, kabilang naman sa sikat na West End production na "Wicked."

Inilathala ang nasabing blog post noong Agosto 16, kung saan binanggit ang ilan sa mga natatanging pagtatanghal ni Rachelle, kabilang na ang pagganap niya bilang Ariel sa Atlantis Production ng "Little Mermaid" noong 2011, pati na rin ang kanyang pagganap bilang Jane Porter sa musical adaptation ng "Tarzan" noong nakaraang taon. 

Nag-post naman ng mensahe ng pasasalamat si Rachelle sa naturang pagkilala sa kaniya ng blog. -- BRD/FRJ, GMA News