ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Derek Ramsay, emosyonal matapos maghain ng counter affidavit sa reklamo ng asawa


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagsumite na ng counter-affidavit sa Makati Prosecutor's Office nitong Miyerkules ang aktor na si Derek Ramsay kaugnay sa mga reklamo ng kaniyang estranged wife na si Mary Christine Jolly.

Sa "Chika Minute" report ng GMA news "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing kaugnay ito ng reklamong economic and psychological abuse na paglabag sa violence against women and children act.

Basahin: Derek Ramsay admits to marrying Mary Christine Jolly and having a son

Nakapaloob sa reklamo ang hindi umano pagsuporta ni Derek sa kanilang 11-year-old son.



Bagay na mariin namang itinanggi ni Derek.

Bagaman kinumpirma niya ang pagpapakasal kay Jolly, sinabi ni Derek na inakala raw niya noon na hindi valid ang naturang kasal na nangyari sa Bulacan noong 2002.

Sa pagdinig, nagkaroon ng closed-door-meeting ang magkabilang panig kasama ang piskal.

Paglabas ni Derek mula sa pagpupulong, hindi na siya halos makapagsalita at lumuluha.

Maigsing pahayag ng aktor: "Magsasalita na lang ako soon but now I will just let the courts handle this." -- FRJimenez, GMA News

Tags: derekramsay