advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Joey De Leon, may mensahe sa mga 'epal' sa ice bucket challenge


Usong-uso ngayon ang ice bucket challenge sa Internet, kung saan kumukuha ng video ang mga tao na nagbubuhos ng tubig na may yelo sa kanilang mga ulo.
 
Bago magbuhos, nag-no-nominate ang mga tao ng susunod sa challenge, na kailangan ding gawin ang video na ito.
 
Pero si Henyo Master Joey De Leon, may mensahe para sa mga nakikisakay lang sa uso sa Internet nang hindi alam ang kahulugan nito.
 
 
 
"Maraming epal na gaya-gaya sa Ice Bucket Challenge. Kaso, puro lang NOMINATE...wala namang DONATE! Tumigil nga kayo!"
 
Nagsimula ang ice bucket challenge para magpalaganap ng suporta para sa mga taong may Amyotrophic Lateral Sclerosis (ALS), isang sakit na nakaka-apekto sa central nervous system. Layon ng meme na makalikom ng karagdagang donasyon para sa mga grupong pinag-aaralan ang karamdamang ito. — JST, GMA News
LOADING CONTENT