ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rachelle Ann Go at Mark Bautista, nag-bonding na sa London


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagkita na at nag-bonding sa London ang mga Kapuso stars na sina Rachelle Ann Go at Mark Bautista, na kapwa abala sa pagganap sa musical play sa nabanggit na bansa.
 
Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA news "24 Oras" nitong Lunes, ipinakita ang kuha ng magkaibigang Mark at Rachelle Ann na masayang nagba-bonding sa London.
 
Kasalukuyang nagtatanghal si Rachelle bilang si Gigi sa West End musical na “Miss Saigon.” 
 
Habang si Mark, nagsasanay na para naman sa pagbibidahan niyang musical play na “Here Lies Love.”
 
“Napakaganda. Nakaka-proud si Shin bilang kaibigan, bilang Pinoy,” ayon kay Mark.

 
Masaya rin si Rachelle para sa kaibigan dahil sa gagawin nitong pagganap sa “Here Lies Love,” na tungkol sa buhay ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
 
Mananatili si Mark sa London sa loob ng anim na buwan para sa naturang pagtatanghal.
 
Isang linggo pa lamang doon ang batikang singer at agad siyang napasabak sa matinding rehearsal sa National Theater.
 
Paghuhusayan daw ni Mark ang pag-eensayo dahil umani ng papuri ang New York production ng nasabing musical.
 
“Recently lang talaga parang nag-sink in sa akin na parang, okay, I'm performing at the National Theater. Si Ms. Lea Salonga nga nag-Facebook sa akin, sabi niya, 'Wow, ang daming gustong mag-perform diyan,'" kwento ng singer-actor.
 
Ilan sa mga aawitin niya sa pagganap bilang si Marcos ay ang mga kantang nilikha ng European musicians na sina Fatboy Slim at David Byrne ng bandang “Talking Heads.”-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News