ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pinay na 'alternate Kim' sa 'Miss Saigon,' may concert sa bansa
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasa Pilipinas ngayon ang aktres na si Tanya Manalang, ang alternate Kim sa West End revival ng dulang Miss Saigon.
Sa ulat ng GMA news TV's Balitanghali nitong Miyerkules, sinabing bahagi ng kaniyang "leave" sa musical ang pananatili ni Manalang sa bansa hanggang sa susunod na linggo.
At habang nasa Pilipinas, may ilang pagtatanghal siyang gagawin kasama ang mga dating kabilang din sa "Miss Saigon" na sina Leo Valdez, Ima Castro at Monique Wilson.
Isa si Tanya sa dalawang alternate ni Eva Noblezada, ang half-Pinoy na bumibida ngayon bilang Kim sa Miss Saigon na kasalukuyang itinatanghal sa London, England. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
Tags: tanyamanalang, misssaigon
More Videos
Most Popular