ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dingdong, may surpresa pa rin kay Marian sa araw mismo ng kanilang kasal


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Madadagdagan pa ang principal sponsors sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Ang latest na magiging ninong sa kasal ng Kapuso royal couple, ang dalawang big boss ng GMA Network.

Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel sa GMA news 24 Oras, sinabi nito na magkasamang nagtungo sina Dingdong at Marian sa GMA Network Center nitong Miyerkules para kuning ninong sa kanilang kasal sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon at GMA President and COO Gilberto Duavit Jr.

"Mahalaga yung nakuha namin yung blessing nila. Sa amin ni 'Yan sila yung tumatayong mga ama namin dito sa GMA, and fortunately nag-oo sila," ani Dingdong.

Tiniyak nina Dingdong at Marian na pupuntahan nila ang kanilang principal sponsors pati na ang mga magiging miyembro ng entourage.



Hands on nga raw sila sa pagpaplano ng kanilang wedding sa December 30. ito'y kahit pa kapwa sila busy sa kani-kanilang tv shows at pelikula.

Noong Linggo, nakipag-meeting na ang engaged couple sa first batch ng kanilang principal sponsors kabilang ang "Master Showman" na si German Moreno

Sunod na raw nilang pupuntahan sina Batangas Gov. Vilma Santos, Dra. Vicki Belo at ang iba pang ninang at ninong.

Kabilang din daw sa entourage si Ai Ai Delas Alas na malapit na kabigan ni Marian.

Marami pa raw silang dapat na asikasuhin pero tinitiyak nina Marian at Dingdong na may element of surprise pa rin sa mismong wedding day.

Kabilang daw sa magiging surpresa kay Marian ay ang awitin na patutugtugin sa kanilang kasal dahil si Dingdong daw ang nag-aasikaso nito.

"Sa paglakad ko talaga sa aislee hindi ko alam kung anong sounds ang maririnig ko bilang si Dong ang balaha doon. Sabi niya, 'gusto kong gawin 'tong mas espesyal para sa'yo.' So nakakakilig lang na kahit sa mga ganung detalye gusto niya sa araw na 'yon may sikreto talaga siya sa akin," natutuwang pagbahagi ni Marian. -- FRJ, GMA News