ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pipi, host ng Eat Bulaga!, kapatid ng isang celebrity, kabilang sa mga kalahok sa 2014 Ms World PHL


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Iba-iba ang background ng 26 na official candidates ng 2014 Miss World Philippines. Kabilang dito ang isang host ng Eat Bulaga!, kapatid ng isang sikat na celebrity, may modelo, piping kandidata, at iba pa.

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing isa-isang ipinakilala ng mga host na sina Mikael Daez at Gwen Ruais ang 26 na kalahok suot ang kanilang official red swimwear.

Kabilang sa mga ipinakilala ang Eat Bulaga co-host na si Valerie Weigmann, ang kapatid ni Geneva Cruz na si Eliza Johanna Cruz, at ang piping kandidata na si Christine Balaguer.



Sa pamamagitan ng sign language, inihayag ni Christine na gusto niyang ipagmalaki siya ng mga tulad niyang may kapansanan.

Ayon naman kay Miss World Philippines organizer Cory Quirino, magkakaroon na rin ng sports competition sa Philippine contest katulad sa Miss World pageant.

"Gusto namin ma-revive, maibalik ang traditional Filipino games," pahayag niya.

Sa Sabado ay pupunta ang mga kandidata sa Caramoan Island, Camarines Sur para sa swimsuit competition.

Samantala, gaganapin ang grand coronation night ng 2014 Miss World Philippines sa October 12 sa MOA Arena at mapapanood sa GMA. -- FRJ, GMA News