ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Nora Aunor, nag-aalala sa mga kababayang apektado ng nag-aalburotong bulkang Mayon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nag-aalala si Superstar Nora Aunor para sa kaniyang mga kababayan sa Bicol na apektado ng nag- aalburotong bulkang Mayon.

Sa "Starbites" ng GMA News TV's Balitanghali nitong Huwebes, sinabi ng batikang aktres na may mga pagkakataon dati na naaabot ng ashfall ang hometown niyang Iriga city kapag sumasabog ang bulkan.

Kaya naman nanawagan siya sa mga Bicolano na ibayong mag-ingat para makaiwas sa disgrasya.



Nitong nakaraang araw, sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Albay ang paglilikas sa mga residenteng nakatira sa six to eight kilometer danger zone upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Ibinalita naman nitong Miyerkules na gagawa si Nora ng pelikula tungkol sa inang nakaligtas sa bagyong "Yolanda," at ididirek ito ng premyadong direktor na si Brillante Mendoza. -- FRJ, GMA News

Tags: noraaunor