ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Sexy model Jinri Park, balik-Pilipinas na
Matapos ang isang taong pamamalagi sa South Korea, balik Pilipinas na ang sexy model at former DJ na si Jinri Park.
Nilinaw ni Jinri na hindi career move ang pagpunta niya sa South Korea. Aniya, bukod sa nais niyang makasama ang pamilya, naglaan rin siya ng oras upang makapag-aral ng film at acting.
Samantala, agad namang sumabak ang model sa isang book signing at TV guesting pagbalik sa bansa.
Nagkaroon siya ng special guesting sa noong Linggo sa Kapuso sitcom na "Vampire Ang Daddy Ko." Nagpapasalamat rin si Jinri sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya.
Umaasa ang aktres na maipagpapatuloy niya ang kanyang showbiz career ngayong nakabalik na siya sa Pilipinas.
Umaasa ang aktres na maipagpapatuloy niya ang kanyang showbiz career ngayong nakabalik na siya sa Pilipinas. — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: jinripark
More Videos
Most Popular