ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

45th wedding anniversary nina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa, star-studded


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Star studded ang selebrasyon ng 45th wedding anniversary nina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa. Ibinahagi rin nila ang susi ng matagumpay nilang pagsasama.

Sa "Chika Minute" report ni Cata Tibayan sa GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabing kabilang sa mga dumalo sa dinner celebration ng mag-asawa ay sina Susan Roces kasama ang anak na si Senator Grace Poe, Sen. Gringo Honasan, dating Sen Robert Jaworksi, Regal Films matriarch Mother Lily Monteverde, TAPE Incorporated head Tony Tuviera.

Hindi rin siyempre nawala ang mga "Eat Bulaga" dabarkads na pinangunahan nina Vic Sotto at Joey de Leon.

Si Sen. Sotto, sinorpresa ng bouquet of 45 red roses si Helen, na sinuklian naman ng aktres ng isang matamis na halik.

"Gusto kong isipin na countdown pa lang ito papunta sa  50th [anniversary] namin kaya every year is important," ayon kay Sen. Sotto.



Masayang inihayag naman ni Ms Helen, na "sabi nga nila 'no marriage is made in heaven.' Pero magmamayabang na 'ko na I have a marriage that is made in heaven."

Ang sikreto raw ng mag-asawa sa matagumpay na relasyon ay naka-sentro sa Panginoon ang kanilang pagmamahalan.

Dagdag nila, wala raw silang problema na hindi nila pinag-uusapan kahit pa pinasok ni Sen Sotto ang parehong magulong mundo ng showbiz at pulitika.

"Para kay Sen Sotto, ang kaniyang maybahay na si Helen ang kaniyang sandalan at pundasyon sa anumang pagsubok na dumaan sa kaniyang buhay. -- FRJ, GMA News