advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pagbabalik ng 'Laban o Bawi' sa Eat Bulaga, ikinatuwa ng netizens


Pagkatapos ng ilang taon, muling nagbalik sa Eat Bulaga ngayong Lunes ang popular na segment na "Laban o Bawi."
 
Nabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng studio audience na makasali sa laro, at magkaroon ng pag-asang manalo ng P1 million.
 
Ang Dabarkads na si Fritzie ang unang maglalaro sa jackpot round ng "Laban o Bawi," na gaganapin sa Martes.
 
 
 
Samantala, ikinatuwa naman ng mga netizens ang pagbabalik ng naturang segment, kaya trending topic ito sa Twitter ngayong hapon.
 
 
— JST, GMA News
LOADING CONTENT