ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Cherry Pie Picache, humingi ng tulong sa paghanap sa suspek sa pagpaslang ng kaniyang ina


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nitong Martes, nag-post ang aktres na si Cherry Pie Picache sa Instagram ng larawan ng suspek sa pagpaslang sa kanyang ina noong Setyembre.
 
Nananawagan ang aktres sa mga Pilipino na tulungan silang matunton ang suspek na kinilalang si Michael Flores, 29 na taong gulang at nagsilbing tagalinis sa bahay ni Zenaida Sison, ina ni Cherry Pie, sa Quezon City.
 
Aniya, “Please share this among your network and help us find the criminals behind the violent crime against our mother. We will be grateful for any information that will lead us to justice. Thank you.”
 
 
Loading

Please share this among your network and help us find the criminals behind the violent crime against our mother. We will be grateful for any information that will lead us to justice. Thank you.
 
 

View on Instagram
 
 

 
Noong Huwebes, inilabas ng Quezon City Police District ang pangalan at larawan ng suspek sa pagpatay kay Sison. Pinuntahan rin ng mga awtoridad ang mga kaanak ni Flores sa Laguna para humingi ng impormasyon tungkol dito. 
 
Natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek sa tulong ng closed-circuit-television camera at mga naiwang damit nito sa bahay.
 
Pagnanakaw pa rin ang nakikitang motibo ng mga awtoridad sa nangyaring krimen. Kasalukuyang nagsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation tungkol sa kaso. — JST, GMA News