ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Cherry Pie sa pagkakahuli ng mga suspek sa pagpaslang na kaniyang ina: 'Umpisa pa lang ito'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagkaroon ng press conference nitong Huwebes sa Quezon City Police District si Cherry Pie Picache hinggil sa kaso ng pagpaslang sa kaniyang ina noong Setyembre.
 
Matapos maaresto ng pangunahing suspek na si Michael Flores nitong Miyerkules sa Laguna, sumuko na ang isa pang suspek sa krimen sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Huwebes.
 
Ayon sa aktres, masaya ang kanilang kampo sa pagkakahuli ng mga ito, ngunit simula pa lamang daw ito ng kanilang pagkakakamit sa hustisya. 
 
“Masaya ako sa nangyari pero umpisa pa lang ito. Conviction ang habol namin,” aniya.
 
Pinaslang ang ina ni Cherry Pie na si Zenaida Sison, 75, noong ika-19 ng Setyembre sa kaniyang bahay sa Quezon City. Hinihinalang pagnanakaw ang motibo ng mga suspek sa panloloob sa bahay. — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News