ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jomari Yllana, kauna-unahang Pinoy sa Super Race Championship sa South Korea


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nakikipagpaligsahan ngayon sa Super Race Championship sa South Korea ang aktor na si Jomari Yllana bilang kinatawan ng ating bansa.
 
Nagsimulang makipagtunggali si Jomari nitong Linggo, October 12, sa Yeongam, South Korea.
 
 
Isang taon umano ang iginugol ng aktor sa pag-eensayo para sa naturang kompetisyon. Dagdag pa niya, 'dream come true' raw ang makapag-compete abroad laban sa iba't ibang bansa.
 
Ayon pa kay Jomari, siya ang kauna-unahang Pilipino na naimbitahan upang lumahok sa kompetisyon, at kasama niya ang GMA Network bilang media partner sa kabuuan ng  kanyang laban.
 
Samantala, tila sumusunod naman sa yapak ng ni Jomari ang kaniyang anak na si Andre, na nagpapakita na ng interes sa pag-aartista at nahihilig na rin sa car racing.
 
Suportado naman umano ng aktor ang anak, ngunit nagkaron sila ng kasunduan hinggil sa pagsabak nito sa car racing.
 
Ayon kay Jomari, “Yung pagkaka-design ng programa mo for racing, pag tumakbo ka, kailangan professional. Magiging trabaho mo yan talaga.” — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: jomariyllana