ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Zumba, inirerekomenda ng ilang celebrity para maging sexy at happy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maging ang ilang Kapuso stars ay nahihilig na rin sa Zumba dahil sa magandang idinudulot umano nito sa katawan at kalusugan ng tao.

Sa "Starbites" report ni Nelson Canlas sa GMA News TV's Balitanghali, sinabi nito na dumarami na ang nakakadiskubre sa benepisyo ng pagsasayaw ng zumba para sa kalusugan.

Bukod sa masaya itong uri ng ehersisyo, malaki rin ang nagagawa nito sa body toning at mainam na cardio exercise.



Kaya naman ang Kapuso stars tulad nina Stephanie Sol at Coleen Perez, sadyang naglalaan daw talaga ng oras para mag-zumba.

Dahil puyat ang kalaban ng celebrities lalo na kapag nagsu-shooting, nakatutulong daw nang malaki ang zumba para lumakas ang kanilang resistensya.

Nagagawa rin nito na paganahin ang happy hormones sa katawan kaya maganda rin itong panlaban sa depresiyon.

Kaya ang payo ng mga celebrity, mag-zumba para maging sexy at happy, ayon sa ulat. -- FRJ, GMA News

Tags: zumba