ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
2014 Miss International candidates, nakisaya sa Japan Food Fair
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Muling nagpakita sa publiko ang mga kandidata sa 2014 Miss International sa Japan.
Nakisaya ang mga ito sa Food Fiesta, at ibinida nila ang kani-kanilang national costumes sa Roppongi sa Tokyo.
Suot ng kandidata mula sa Pilipinas na si Bianca Guidotti ang isang Singkil princess outfit.
Bukod dito, nag-aral din ang mga kandidata ng Ikebana, isang Japanese art na nakatutok sa flower arrangement.
Post by Missosology.
Naroon din si 2013 Miss Internation Bea Rose Santiago na naging isa sa mga hurado sa nagdaang Miss International Japan finals.
Gaganapin ang coronation night ng naturang pageant sa November 11 sa Grand Prince Hotel Takanawa sa Tokyo, Japan. -- BRoseDabu/FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular