ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Andre Paras plays wheelchair basketball to celebrate 19th birthday


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ipinagdiwang ng Kapuso actor na si Andre Paras ang kanyang 19th birthday sa Tahanang Walang Hagdan, isang lugar para sa mga taong may kapansanan sa Cainta, Rizal.
 
Nakipaglaro ng basketball si Andre habang nakasakay sa wheelchair kasama ang ilang persons with disabilities.
 
 
Ayon sa aktor, mas tumaas ang respeto niya sa mga persons with disablilities (PWD) sa sandaling oras na naramdaman niya ang hirap na nararanasan ng mga ito.
 
Mas na-inspire daw sa buhay si Andre dahil sa katapangang nakita niya sa mga PWD, na nagagawa ang mga gawain ng normal na tao sa kabila ng kanilang kapansanan.
 
Samantala, hindi naman ikinakaila ng aktor ang kanyang pagiging proud sa nakababatang kapatid na si Kobe Paras, na nagpapakita ng galing sa basketball ngayon sa Amerika. — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News