Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ex-lovers Kristoffer Martin at Joyce Ching, magsasama sa Healing Hearts




Sumabak na sa taping ang ilang Kapuso stars na kabilang sa cast ng upcoming afternoon series na 'Healing Hearts,' ayon sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkules.
 
Kabilang sa cast ng nasabing soap sina Angelica dela Cruz, Mickey Ferriols, Tina Paner, Maureen Larrazabal
 
Gaganap rin sa 'Healing Hearts' ang dating magkasintahan na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.
 
Ang 'Healing Heart' ay tungkol sa pangungulila at pagmamahalan ng mag-ina. Makaka-relate at maiiyak umano ang mga manonood sa mga pagdadaanan ng karakter nina Mickey at Angelica.
 
Ayon kay Mickey, hindi na siya masyadong nahirapang humugot ng emosyon lalo na't mommy na rin siya ngayon.
 
Mapapanood ang naturang soap sa darating na 2015. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News