Filtered By: Showbiz
Showbiz

Amid health issues, Vilma Santos assures attendance at Dingdong-Marian wedding


Sa kabila ng pagkakasakit, siniguro ni Batangas governor Vilma Santos na makakadalo siya sa Kapuso Royal Wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa December 30.
 
Ipinahayag ito ng gobernador sa surprise belated birthday celebration na inihanda para sa kanya ni Mother Lily nitong linggo kasabay ng paglunsad na Ala Eh! Festival ng lalawigan ng Batangas, ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Lunes.
 
 
Nagpaabot ng mensahe si Gov. Vi para sa magkasintahan: “It's just that medyo nagkaroon lang ng depekto ang health ni Ninang Vi but that doesn't mean na hindi ako ninang. Nandito pa rin si Ninang Vi and I'll see you on December 30.”
 
Matagal na hindi nakita ng publiko ang gobernador dahil sa pag-atake ng kanyang ulcers at iba pang komplikasyon sa kalusugan.
 
Aniya, “After nung sa ulcers ko, which is better now, nagkaroon ako ng parang insect bite na nagkaroon ng infection sa ilong na hindi naman pwedeng lagyan ng make up.” — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
LOADING CONTENT