ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ex-husband ni Aiko Melendez na si Martin Jickain, huli sa panunutok daw ng baril sa pulis
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inaresto ng mga awtoridad ang dating mister ni Aiko Melendez na si si Martin Jickain at kasama nito, dahil sa panunutok umano ng baril sa isang pulis sa Pasay City, nitong Biyernes ng madaling-araw.
Sa ulat ni Luisito Santos sa dzBB radio, sinabing naganap ang insidenteng kinasangkutan ni Martin dakong 12:30 a.m. sa panulukan ng Roxas Boulevard at Santa Monica Service Road.
Nasangkot daw sa mainit na pakikipagtalo si Martin at kasama nito sa isa pang grupo na malapit sa isang restaurant.
Nakuha ng mga awtoridad kay Martin ang isang baril at dalawa magazine na may mga bala.
Sa Twitter post ni Santos, ipinakita na may lisensiya si Martin para sa naturang baril.
Dating asawa ni Aiko Melendez na si Martin Jickain, arestado sa panunutok ng baril sa Pasay City. | @luisitosantos03 pic.twitter.com/4CdZVgJZU8
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 18, 2014
Sa hiwalay na ulat ng GMA News' Unang Balita, sinabing mahaharap si Martin at ang kasama nito sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, direct assault, at resisting arrest.
Napag-alaman na isang taxi-driver na nakaparada sa likuran ng kanilang sasakyan ang unang nakasagutan nina Martin.
Nakasagutan din umano nina Martin ang pulis na rumesponde, at tinutukan daw nito ng baril ang isa sa mga pulis.
Tumanggi naman muna si Martin na magbigay ng pahayag, at kakausapin daw muna niya ang kaniyang abogado.
Kasalukuyang nakadetine si Martin sa Pasay police headquarters. —FRJ, GMA News
Tags: martinjickain, gunpokingincident
More Videos
Most Popular