ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ex-boyfriend ni Mahal na si Jimboy, magpapakasal na sa boyfriend


Nakatakda nang magpakasal sa kapwa lalaki sa susunod na taon ang dating That's Entertainment member na si Jimboy Salazar, na naging nobyo noon ni Mahal.

Nitong nagdaang Marso nang aminin ni Jimboy na isa siyang pusong babae, at kasabay nito ang pagbalita niya nitong tungkol sa kaniyang nobyo na si John.

Basahin: Jimboy ni Mahal noon, 'Jimgirl' na ni John ngayon

Sa Startalk nitong Sabado, ipinakilala ni Jimboy ang boyfriend na si John Danan, na isang entertainer na galing sa Singapore.



Si John daw mismo ang nag-alok ng kasal kay Jimboy para patunayan na tunay ang kaniyang pagmamahal.

Kuwento ni John, "Kasi nasa Singapore po ako nu'n, chat-chat kami. Then sabi niya sa akin baka may makita daw po akong iba doon. Sabi ko,  'sige, to prove i-set na natin, magpapakasal tayo."

Itataon daw nila sa kanilang kasal sa kanilang anniversary sa March 16, 2015.

Nais ng dalawa ang isang beach wedding at puti ang isusuot ng mga dadalo sa kasal.

"Baka sa La Union beach o kaya sa Puerto Galera, maganda rin doon," saad ni Jimboy, na nais daw ng diwata costume sa araw ng kaniyang kasal.

Ayon sa dalawa, wala naman daw problema sa kani-kanilang magulang ang kanilang planong pagpapakasal.

Wala rin daw silang pakialam sa mga sasabihin ng iba basta masaya sila. -- FRJ, GMA News