advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vilma Santos, nais gumawa ng pelikula ngayong 2015


Miss na raw ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang showbiz kaya plano niyang gumawa muli ng pelikula ngayong 2015. 

Ang indie film na "Ekstra" ang huling pelikulang ginawa ni Vilma na umani ng pagkilala maging sa ibang bansa tulad sa Dhaka International Film Festival.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, sinabi ng actress-politician na gusto niyang gumawa ng mainstream o indie movie ngayong taon, ayon sa ulat ni Lhat Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Biyernes.

Samantala, binuksan naman ni Glaiza de Castro ang kaniyang talent center sa Valenzuela City, para sa mga nais mag-workshop sa acting, singing, piano, violin at guitar.



Sa susunod na linggo, matutuloy na ang family vacation nila sa Tokyo, Japan, na regalo raw niya sa kaniyang pamilya.

"Parang isa siya sa mga inspiration ko kasi actually masarap talagang mag-travel. 'Yon yung pinaka-reward sa lahat ng pinagpapaguran mo," aniya.

Ang "Bubble Gang" girls na sina Sam Pinto at Gwen Zamora, masaya raw sa pagharap nila sa 2015 kasama ang kani-kanilang non-showbiz boyfriend.

Si Sam, handa raw kung ano ang ihahatid sa kanya ng Year of the Sheep. Habang si Gwen, tatlong bagay ang gusto: look better, feel better and be healthier.

"Parang better kasi quiet lang, hindi magulo ang buhay. We can still do normal stuff, di ba?," ani Sam.

Nang tanungin naman si Gwen kung may plano siyang magpakasal ngayong taon, tugon niya, "Wala naman kaming concrete plans na magpapakasal na kami. Yung go with the flow lang talaga yung relationship namin." -- FRJ, GMA News
LOADING CONTENT