Filtered By: Showbiz
Showbiz

Leah Navarro, idinipensa si PNoy sa mga puna na '#NasaanAngPangulo'


Hanggang madaling araw nitong Biyernes, number one trending topic pa rin sa Twitter ang #NasaanAngPangulo. Patungkol ito sa tanong ng netizens kung bakit wala si Pangulong Benigno Aquino III sa arrival honors sa mga nasawing kasapi ng Special Action Force ng Philippine National Police sa engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Dumating sa Villamor Air Base nitong Huwebes ng umaga ang mga labi ng 42 sa 44 na nasawing PNP-SAF.

Ang dalawa sa SAF na nasawi sa engkuwentro ay nauna nang inilibing alinsunod sa tradisyon ng Islam.



Naging kapansin-pansin na wala si Aquino sa mga opisyal na sumalubong at nagbigay-pugay sa mga pulis na idineklarang bayani.

BASAHIN: Netizens: No PNoy at arrival honors for slain SAF men?

Kabilang sa mga opisyal ng Gabinete na sumalubong sa mga nasawing sundalo ay sina Vice President Jejomar Binay, Justice Secretary Leila De Lima, Interior Secretary Manuel "Mar" Roxas, Transport Secretary Joseph Emilio "Jun" Abaya, at Presidential Spokesman Edwin Lacierda.
 
Nandoon din sina dating Pangulong Fidel V. Ramos, Ilocos Norte Representative Imelda Marcos, Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos, at Sen. Nancy Binay.

Napag-alaman na nasa Laguna ang pangulo para sa pagpapasinaya ng bagong bukas na planta ng Mitsubishi Motors Corporation.

"The President did not skip the arrival honors today, it presupposes he was originally scheduled to attend it, which was not the case," ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte,

Sinabi pa ni Valte na pangungunahan ni Aquino ang necrological services sa Biyernes ng umaga sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sa isa pang pahayag, sinabi naman ni Communication Secretary Herminio "Sonny" Coloma Jr., na naniniwala sila na hindi pananaw ng nakararami ang pagpuna na wala si Aquino sa arrival honors.
 
"Sa amin pong monitoring ay hindi naman 'yan majority view," ani Coloma, na nasabing iginagalang nila ang iba't ibang pananaw ng publiko.
 
Dagdag ng opisyal, "Ganunpaman, isinasaalang-alang lahat ng mga pananaw, bagama't naiiba, at patuloy pa rin 'yung panawagan at paghimok sa lahat ng mga mamamayan na ilagay po natin sa unang posisyon ang kapakanan ng ating buong bansa."
 
BASAHIN: Palace downplays furor over PNoy's absence from arrival rites of slain SAF men
 
Ang singer na si Leah Navarro, nag-post sa Twitter ng ilang komento tungkol sa pagpuna na wala si Aquino sa arrival honors at ang pangingibaw ng #NasaanAngPangulo bilang trending topic sa halip na #Fallen44.
 


 


Mayroon namang hindi sumang-ayon sa mga Twitter post ni Leah, kabilang na ang radio host na si Mo Twister.



Saad naman ni Leah sa isa pang post para sa mga bumatikos sa kaniya.


-- FRJ, GMA News