ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
TV hosts apologize after online uproar over 'rude' video
By BIANCA ROSE DABU, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ikinagalit ng ilang netizens ang kumalat na video kung saan makikita ang TV hosts na sina RR Enriquez at Jeck Maierhofer na binusinahan ang isang pampublikong sasakyan upang magising ang natutulog na pasahero nito.
Sa naturang video, makikitang nagtatawanan ang dalawa habang binubusinahan ang isang UV Express van upang magising ang pasahero.
Ayon kay RR, "Ladies and gentlemen, ang gagawin po namin is bubusina po kami para magising si Kuya."
"Oh my gosh that so fun," pagpapatuloy pa niya.
Ilang netizens ang nagalit sa inasal ng dalawa at nagpahayag ng awa sa pasaherong sinusubukan nilang gisingin.
Ayon sa Facebook user na si Francis Hizon, "Cheap girls who weren't taught the proper way of conducting themselves. That's why they do what they do."
"For them, its a joke. Para sa taong natutulog, idlip lang kapalit ng maghapong pagod sa trabaho," sabi naman ni Celina Paredes.
Mayroon nang halos 13,000 shares ang naturang video at 9,500 comments simula noong mai-post ito ng Top Gear Philippines nitong Linggo.
Apologies
Nagpahayag naman ng pagsisisi at humingi ng patawad ang dalawang 'Happy Wife, Happy Life' stars isang araw lamang matapos kumalat ang video.
Ayon kay Jeck, asawa ng PBA player na si Rico Maierhofer, sa isang Instagram post na nagpapakita ng mga maaanghang na komento mula sa netizens, "This incident has taught me to be more sensitive towards people's feelings and be more responsible for my actions."
Inamin naman ni RR na mali ang kanilang nagawa ngunit hindi dapat magpadalos-dalos ang mga tao sa panghuhusga.
Dagdag pa niya, tao lamang siya at tanggap niya na ang kanyang pagkakamali. Madalas umano siyang nagpo-post ng video ng kanyang sarili upang magbigay aliw sa kanyang fans, ngunit ngayon lang siya nangdamay ng ibang tao.
Sinabi rin ng host na hindi siya nag-isip bago gawin ang bagay na iyon at natuto na siya mula dito.
Dagdag pa niya sa kanyang Instagram post, "I must admit sobrang bully and naughty ko before and I'm super maldita pa but I know I changed a lot. But sometimes, may magagawa ka talaga sa life mo na mali kasi nga walang perfect. Ang importante you learn how to humble yourself and admit yung maling ginawa mo."
Nakiusap siya sa mga taong nanghusga sa kanila na tumingin muna sa salamin bago magbitiw ng masasakit na salita.
"So sa mga taong mapanghusga diya, pansinin nyo muna yung sarili niyo kung minsan ba wala kayo nagawang naughty sa life niyo? Grow up also. Thank you and let God judge me," aniya. —JST, GMA News
Tags: jeckmaierhofer, rrenriquez
More Videos
Most Popular