ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
'The X Factor Australia' winner na si Marlisa Punzalan, nasa Pilipinas
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasa pilipinas ang half Filipina na winner ng "The X Factor Australia" na si Marlisa Punzalan para mag-perform ngayong Valentine weekend.
Sa ulat ng GMA News Saksi nitong Biyernes ng gabi, sinabing dumating sa bansa si Marlisa kasama ang kaniyang mga magulang at kapatid na lalaki nitong Huwebes ng hapon.
Naging mainit naman ang naging pagsalubong ng fans sa 15-year-old singer fans, na nag-usap-usap lang daw sa Facebook tungkol sa kanilang plano.
Nagpasadya pa sila ng mga t-shirt para mas maipakita kay Marlisa ang kanilang paghanga.
Nanalo si marlisa sa Australian singing competition nitong nakaraang taon. -- FRJ, GMA News
Tags: marlisapunzalan
More Videos
Most Popular