ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera at Dingdong, ipinagdarasal na magka-baby na ngayong taon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos matupad ang kaniyang dream wedding, ang magka-baby naman ang wish ni Marian Rivera na hangad niyang matupad ngayong taon.

Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel sa GMA News 24 Oras nitong Biyernes, ipinakita rin ang pagiging mahilig ni Marian sa baby.

Matamis na ngiti ang isinalubong niya sa mga batang may bingot na na-operahan.



Malaki raw ang naitulong ni marian para maipaalam sa publiko ang libreng operasyon na proyekto ng isang non governmental organization.

"Mas maraming nakikitang nakangiti, parang mas masaya, mas positive," aniya.

Mahilig sa mga bata si Marian at lagi niyang sinasabi na gusto na niyang magka-baby.

"Gusto namin this year," pahayag ng Kapuso primetime queen, na nagsabing ipinagdadasal nila ito ng mister na si Dingdong Dantes.

Sa susunod na buwan, inaasahang sasabak na si Marian sa kaniyang bagong proyekto sa Kapuso network.

Si Dingdong, magsisimula na sa kaniyang primetime project na "Pari Koy." -- FRJ, GMA News

Tags: marianrivera