Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Camille Prats, Angelica Panganiban recreate poster of their old movie


Nagkaroon ng pagkakataon ang mga aktres at magkaibigan na sina Camille Prats at Angelica Panganiban na gayahin ang poster ng 1997 film na "Ang Pulubi at ang Prinsesa" na pinagbidahan nila noon bilang child stars.
 


Nag-post si Camille ng larawan sa Instagram bilang pagbati sa natamong tagumpay ng pelikulang "That Thing Called Tadhana" na pinagbidahan ni Angelica kasama ang aktor na si JM de Guzman.
 
Ayon kay Camille, "I would like to congratulate you for the success of your movie. Isa ka sa mga artista sa industriya na binibigyan ng halaga ang trabaho. Kaya naman sobra-sobra din ang balik sayo. Congrats sis!!"
 
Inaabangan rin umano ng 'Second Chances' star ang pagkakataong magkatrabaho muli sila ng kababata at kaibigan. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
LOADING CONTENT