ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Albay governor blasts Xian Lim for allegedly refusing to promote province
By NERISA ALMO, PEP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Muli na namang nasangkot sa kontrobersiya si Xian Lim sa pagpasok ng Chinese New Year.
Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang Facebook post ni Albay Governor Joey Salceda tungkol sa pagdalo ng aktor sa Fiesta Tsinoy Albay.
Sa Facebook post ni Governor Salceda nitong Huwebes, February 19, inilahad niya ang naging problema sa pagbisita ni Xian, kung saan tumanggi umano ang aktor na i-promote ang lalawigan ng Albay.

Xian's response
Paglilinaw naman ni Xian, ang pagsusuot ng T-shirt at hindi ang pagpu-promote ng Albay province ang tinanggihan ni Xian Lim.
Ito ang nilinaw ng Star Magic talent sa statement na naka-post sa kanyang Twitter account (@XianLimm).
Ayon kay Xian, hindi siya pumayag isuot ang T-shirt na ibinigay sa kanya, kasama ng coffee table book ng Albay, dahil naisip niyang maaaring magkaproblema sa clothing brand na kanyang iniendorso.
“My exact words to her were 'Sorry po, hindi ko maisuot yung tshirt kasi baka magka-conflict sa clothing endorsement ko. Pasensya na po,'” saad ni Xian.
Ang tinutukoy marahil ni Xian na "her" ay si "Atty Carol" na binanggit ni Governor Salceda sa kanyang Facebook post.
Nagpunta si Xian sa Albay bilang panauhin sa pagdiriwang ng Fiesta Tsinoy Albay.
Kasama rin sa statement ng Kapamilya actor ang paghingi niya ng paumanhin kay Albay Governor Joey Salceda at sa mga taga-Albay sa hindi nila pagkakaunawaan tungkol sa isyung ito.
Aniya, “I love Albay and I am always happy to be here with its good people.
“I deeply apologize to gov. Salceda and the people of Albay for the misunderstanding about my reasons for refusal to wear the t shirt.”
Dito ay sinagot din ni Xian ang mga katanungang nai-post ni Governor Salceda tungkol sa insidente.
Sabi ni Xian, “My parents raised me to be respectful and generous to everyone, and my management has always stressed the virtue of decency and humility. I do not do drugs and have worked hard to get to where I am.”
Sa huli, sinabi ng aktor na handa siyang isuot ang naturang T-shirt kung malinaw na ito sa kanyang iniendorsong clothing brand.
“If you send me the t shirt and after I have cleared it with my clothing endorsement, I would be more than happy to wear it online and on air. I am also very willing to promote the book of Albay.”
Picture of t-shirt
"LIARS GO SOMEWHERE"
Ito ang tila sagot ni Governor Joey Salceda sa pahayag ni Xian Lim tungkol sa kontrobersiya ng pagtanggi niya diumanong i-promote ang lalawigan ng Albay sa Bicol region.
Sa kanyang Facebook post ngayong Biyernes ng umaga, February 20, ipinakita ni Governor Salceda ang tinutukoy na coffee table book at T-shirt na tinanggihan diumanong suotin ni Xian nang maging panauhin sa pagdiriwang ng Fiesta Tsinoy Albay.
Sa caption, sinabi ni Gov. Salceda: “Ito po yung ibinigay kay Xian Lim kahapon. Kaya lang tinanggihan nya. At sinabi nya kay Atty Caroline Cruz na 'I did not come here to promote Albay' usually ganyan ang binibigay namin sa bisita ng Albay. kaya medyo na disappoint lang naman kami. Walang sinabing 'I love Albay'." —PEP
More Videos
Most Popular