Kris Bernal condemns body-shaming, celebrates petite frame in sexy photoshoot
Kasabay ng paglabas ng daring at sexy cover niya sa isang magazine, ibinahagi ni Kris Bernal ang kanyang saloobin hinggil sa mga taong pumapansin sa kaniyang katawan.
Sa isang Instagram post, ipinahayag ng aktres ang kanyang pagmamahal sa katawan, at nilinaw rin niya ang mga bali-balitang mayroon siyang sakit kaya ganoon na lamang kaliit ang kanyang pangangatawan.
“They say I'm too skinny, but this is my body. That's just the way it is. I go to the gym to tone muscles and achieve curves. Stop telling me that I'm ill and anorexic. Don't judge me right away,” aniya.
Dagdag pa ni Kris, suwerte lamang na hindi siya madaling tumaba dahil malakas siyang kumain, lalo na ng Pinoy favorite na kanin.
“You don't get to be with me everyday. I tell you, I eat everything, I love rice too much. I'm lucky that I don't get fat, but actually I don't find it attractive. This is me. Accept it. No one's perfect okay!”
Ang mahalaga raw para sa aktres ay malusog siya at malakas ang pangangatawan.
Makikita ang sweet-to-daring transformation ni Kris sa February issue ng Muse magazine. Ayon sa kanya, "New year, New Kris" ang matutunghayan sa itinuturing na pinaka-mature na pictorial niya simula nang nag-umpisa ang kanyang career bialng artista.
-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News