ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pacquiao, walang kontrol sa complimentary tickets sa laban nila ni Mayweather
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
“Naghahanap nga ako ng ticket e.” Ito ang natatawang sagot ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa GMA News nang tanungin siya kung magdadala siya ng entourage sa laban nila ni Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas.
Sa nakaraang salpukan nila ni Chris Algieri sa Macau noong nakaraang taon, may malaking entourage si Pacquiao at gumamit pa sila ng sariling eroplano.
Pero sa darating na mega-fight nila ni Mayweather sa May 2 sa Las Vegas, USA, sinabi ni Manny na kahit siya ay nahihirapang makahanap ng ticket.
“Hindi tayo ang may control sa tickets e, yung Floyd Mayweather Promotions,” paliwanag ni Pacman.
“Kahit 'yung complimentary tickets natin na dati [ay] mayroon, ngayon [ay] wala na,” saad ng Pambansang Kamao. -- Al Kendrick Noguera, GMANetwork.com
More Videos
Most Popular