ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kondisyon ng kalusugan ni Jam Sebastian, lumubha


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang higit sa isang taong pakikipaglaban ng internet sensation na si Jam Sebastian sa sakit na lung cancer, inilahad ng kaniyang mga mahal sa buhay na naka-life support na ngayon ang binata.
 
Sa Facebook post, sinabi ni Christopher Liggayu, ama ni Mich na fiancé ni Jam, napasugod sila sa ospital nang makatanggap ng emergency call mula sa pamilya ng binata.
 
"Ang daming doctors and nurses pag pasok ko at ang dami ng nakakabit kay Jam na mga machine. Okay na yun Lord, he put up a good fight. Hindi na namin kaya makita na nahihirapan sya," aniya.
 
Patuloy raw na lumalaban si Jam ngunit sa ngayon ay umaasa na lang ito sa life support o ventilator. Patuloy ang pagbabantay ng mga kaanak, kaibigan, at mahal sa buhay ni Jam.
 
Ayon pa kay Mr. Liggayu, "As of now we are all at his bed side. Lahat kami nagsabi na sa kanya to rest."
 
Dagdag pa niya, hindi na dapat alalahanin ni Jam ang pangako niyang dadalhin sa altar si Mich dahil sa ilang taon na pagkakakilala nila, itinuring niya na itong parang sarili niyang anak.
 

 

 
Matatandaang kamakailan lang ay hiniling na ni Jam sa kaniyang pamilya na tapusin ang kanyang paghihirap. Bagay na hindi kayang ibigay ng kaniyang pamilya at hinimok ang binata na patuloy na makipaglaban sa sakit. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News