ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Buhay ng joker na si Lola Pina, gagampanan ni Gina Pareño sa Magpakailanman


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Ngayong Sabado, gagampanan ng batikang aktres na si Gina Pareño ang nakakatawa at madramang buhay ni Josefina Arellano, na mas kilala ng mga taong pinasaya niya sa kaniyang mga joke bilang si Lola Pina.
 
Sa likod ng smiling face ni Lola Pina, na kinakanlong na ngayon ng isang bahay-ampunan para sa mga nakatatanda, ay nakakubli ang malungkot na kuwento sa kaniyang buhay.
 
Pinapasaya ni Lola Pina ang mga taong bumibisita sa isang home for the aged, at sa mga nakapanood ng kaniyang mga joke na ini-upload sa Youtube.



Video uploaded by Daily Video Trends 3

Sa Sabado, tunghayan sa episode ng Magpakailanman na, “Ang Lolang Mapagbiro: The Josefina Arellano story,” ang mga pangyayari sa kaniyang buhay at kung bakit siya napunta sa bahay-ampunan para sa mga nakatatanda.
 
Ano nga ba ang naging inspirasyon niya upang maging masayahin at palabiro sa kabila ng pag-iisa?
 
Sa pagganap sa buhay ni Lola Pina, ipamamalas ng premyadong aktres na si Gina Pareño ang kaniyang galing sa drama at comedy.
 
Ang “The Josefina Arellano story,” ay sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, mula sa panulat ni Maribel Ilag, at pananaliksik nina Cynthia delos Santos at Rodney Junio.
 
Kasama rin sina Charee Pineda, Mel Kimura, Perla Bautista, Anita Linda, Crispin Pineda, Menggi Cobarubias, at Tess Bomb.
 
Mapapanood ang Magpakailanman sa Sabado, February 28, pagkatapos ng Pepito Manaloto. -- FRJ, GMA News