LOOK: Ciara Sotto gives birth to baby boy Crixus
Isinilang na ni Ciara Sotto nitong Biyernes ng tanghali ang first baby nila ng kaniyang husband na si Jojo Oconer.
Sa "Chika Minute" report ng GMA News 24 Oras nitong Sabado, sinabing isinilang ni Ciara ang kanyang baby boy via normal delivery mag-aalas 12 ng tanghali nitong Biyernes.
Pinangalanan nila ang baby na si Vincezo Xose, na may nickname na Crixus.
Maayos naman ang lagay ng baby at ni mommy Ciara.
Present daw ang parehong pamilya nina Ciara at ng kaniyang asawa sa kaniyang panganganak at nagpapasalamat sila sa lahat ng sumuporta at bumisita sa kanila.
Nag-post din si Ciara sa kaniyang Instagram ng picture ni Crixus na may caption na: I'm so in love... ???? Thank You Jesus for the greatest miracle of my life... :-) #Crixus"
I'm so in love... ???? Thank You Jesus for the greatest miracle of my life... :-) #Crixus
A photo posted by Ciara Sotto (@pinaypole) on
-- FRJ, GMA News