ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pacquiao, sumabak sa recording ng bagong kantang gagamitin sa laban kay Mayweather
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bukod sa paghahanda sa tinaguriang 'Fight of the Century,' naglaan din ng oras si Pambansang Kamao Manny Pacquiao para i-record ang kantang 'Lalaban Ako Para sa Pilipino' na gagamitin niya sa naturang laban kontra sa Amerikanong si Floyd Mayweather, Jr. sa darating na Mayo.
Ayon sa ulat ni Mav Gonzales sa Balita Pilipinas nitong Biyernes, isinulat ni Lito Camo ang
nasabing kanta.
nasabing kanta.
Matatandaang si Lito rin ang nag-produce ng isa sa pinakasikat na kanta ni Manny na 'Para Sa'yo Ang Laban Na 'To.'
“Kahit saan ka nanggaling, kung ikaw man ay mahirap o mababa ang pinanggalingan, hindi 'yun hadlang para magbigay ka ng inspirasyon sa bawat Pilipino at makapagbigay ka ng karangalan sa buong mundo, katuld ni Manny,” paliwanag ng batikang composer hinggil sa bagong awitin ni Pacman.
Kwento pa ni Lito, nagbigay rin ng suhestyon ang 8-division world boxing champion bago ang nasabing recording, na dinaluhan naman nina GMA Vice President for Drama Productions Reggie Magno at GMA Vice President for Entertainment Marivin Arayata.
Samantala, ibinahagi ni Pacquiao at ng kanyang coaching staff na mayroon na silang strategy upang mapatumba ang kalaban sa pinakamalaking laban sa kanyang boxing career.
Dibdiban na ang pag-eensayo ng Pambansang Kamao dito sa Pilipinas, at mas pag-iigihin pa daw ito sa oras na tumutok na sila sa paghahanda sa Amerika.
“Pagdating doon, walang excuses. Mas maganda kasi walang distractions,” ayon Buboy Fernandez, assistant coach ni Manny.
Nagbigay rin siya ng mensahe kay Mayweather: “Tumakbo ka hanggang gusto mo. Gagawin namin lahat para mahabol ka.”
Para naman kay Pacman, ang laban na ito ay hindi lang para sa kanyang sarili, ngunit lalong-lalo na para sa karangalan ng bansa
“Kakaiba ito kasi kailangan ang bawat galaw na gagawin sa training ay accurate sa style niya. Ayokong masayang ang ensayo namin,” ayon kay Manny. — Bianca Rose Dabu/JDS, GMA News
More Videos
Most Popular