Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Jimmy Alapag visits basketball fan Jam Sebastian to give support


Ilang araw lamang matapos mapabalitang naka-life support na si Jam Sebastian ng YouTube sensation na JaMich, bumuhos ang suporta para sa binata mula sa mga kaanak, kaibigan, at maging mga personality sa showbiz, entertainment, at sa sports. 
 
Nitong nakaraang Biyernes, bumisita ang PBA superstar na si Jimmy Alapag at ang kanyang asawang si LJ Moreno sa ospital kung saan naka-confine si Jam.
 
Ayon sa ama ni Mich Liggayu, fiance ni Jam, fan ng basketball ang binata kaya naman malaking bagay sa kanya ang pagbisita ni Jimmy.
 
Bukod sa suporta, binigyan rin ng basketball player ng Gilas Pilipinas jacket si Jam. Sinabi rin umano ni Jimmy na ipagpatuloy lang ng binata ang pakikipaglaban sa sakit na lung cancer dahil marami ang nagmamahal at nagdarasal para sa kanya at hinihintay ang kanyang paggaling.
 
 
 
 
 
Bukod kay Jimmy, bumisita na rin kay Jam sa St. Luke's Hospital noong Huwebes ng gabi ang aktres at TV host na si Kris Aquino matapos humiling ang binata na madalaw siya ng tinaguriang 'Queen of All Media.' 
 
Nagbigay rin ng mensahe ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao kay Jam nitong Linggo. "Jam, get well soon the Lord Jesus his the only way for healing, restoring everything and the only way of salvation. Nothing is impossible with God," ani Pacquiao na nasa Los Angeles ngayon upang maghanda para sa laban nila ni Floyd Mayweather, Jr. sa May 2. 
 
Bumisita na rin ang Kapuso actor na si Mark Herras, YouTubers na si Mikey Bustos at David Di Muzio, reporter na si Gretchen Fullido, at marami pang iba. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
LOADING CONTENT